Ang Pagpapa-renew ng Pasaporte

Marahil ay marami sa inyo ang nangailangang magpa-renew ng inyong Pasaporte habang naninirahan dito sa Japan. Kung isa ka rito, malamang rin ay naranasan mo na ang naranasan kong kakulangan ng impormasyon ukol dito. Kinailangan ko talagang tanungin pa lahat ng kaibigan kong nanirahan o naninirahan sa Japan para sa kinaikailangang impormasyong para gawin ito.

Puwes, hwag na kayong mag-alala. Iipinun ko lahat ang impormasyong nakalap ko at isusulat ko lahat sa pahinang ito para sa susunod ay hindi nyo na kakailanganin pang magtanong sa lahat ng kaibigan nyo kung ano ang inyong kailangang gawin.

  1. Bisitahin ang Website ng Embahada ng Pilipinas sa Japan. Ito ay matatagpuan sa <http://www.tokyope.org>. Malamang ang ibig sabihin ng TokyoPE ay “Tokyo Philippine Embassy” o ang Embahada ng Pilipinas sa Tokyo. Malamang din ay may mga bagong impormasyon sa website nila na hindi ko naisama dito. Maganda rin siguro na tawagan nyo muna ang Embahada at sa kanila manghingi ng kaukulang impormasyon.

Ang mga sumusunod ang inyong kailangang ihanda:

  1. Lumang Pasaporte. Huwag mag-alala dahil isasauli nila ito sa inyo kasama ng inyong bagong Pasaporte. Pagbalik nito sa inyo ay binutas na nila ito ng puncher na malamang ang ibig sabihin ay hindi na maaaring gamitin.
  2. Isang Kopya ng mga mahahalagang pahina ng inyong Lumang Pasaporte. Kasama na rito ang pahina kung saan nakadikit ang inyong litrato, ang pahina kung saan may pirma nung nag-issue ng Pasaporte at yung pahina na naglalaman nang kasalukuyan ninyong ginagamit na Bisa sa Japan. Segurista kasi ako kaya ang pinadala ko ay ang kopya ng *lahat* ng pahina ng lumang Pasaporte ko.
  3. Application Form. Maaari ninyo itong makuha sa Embahada di kaya ay i-download sa website nila (PDF File). I-print nyo lang ito at punan ng wasto ang lahat ng hinihinging impormasyon.
  4. Tatlong Kopya ng inyong Litrato na may sukat na 3.5mm x 4.5mm. Siguraduhing puti ang inyong background at malapit ang inyong mukha sa kamera. Ang sukat ng inyong mukha sa litrato ay dapat mga 2.5mm x 3.5mm. Kung maaari rin ay siguraduhing may collar ang inyong suot, mapa-babae man o mapa-lalake. Mas maganda ang inyong suot mas mabuti.
  5. 10,500 yen pambayad sa serbisyo ng Embahada. Kung sa Pilipinas magpapa-renew ay makakamura kayo kaya kung kayo talaga ay nagtitipid, hintayin na lang makauwi muli sa Pilipinas at duon na lang magpa-renew ng Pasaporte.

 

  • Kung hindi ninyo kayang magpunta sa Embahada para magpa-renew, maaari ring magpa-renew sa pamamagitan ng Post Office. Ipadala ang Lumang Pasaporte, Kopya ng mga mahahalagang pahina ng lumang Pasaporte, Application Form at Litrato (2.1~2.4) sa Embahada sa pamamagitan ng Registered Mail. Kasabay nito, ipadala rin ang 10,500 yen (2.5) sa Embahada sa pamamagitan ng tinatawag nila ditong “Genkin Fukikomi (現金振込み)” o Perang Padala. Huwag kalimutang maglakip ng self-addressed envelope na may nakadikit na stamp na nagkakahalagang 1,000 yen. Ito ang gagamitin nila sa pagpapadala sa inyo ng inyong Luma at Bagong Pasaporte.
  • Matapos ipadala ang lahat ng kinakailangan nila, wala ka nang ibang magagawa kundi ang maghintay. Mga isa’t kalahati hanggang dalawang lingo ang inaabot ng paga-ayos ng bagong Pasaporte. Sa kaso ko, ika-2 ng Disyembre ako nagpadala ng Aplikasyon ko at sa ika-15 ng Disyembre ko natanggap ang aking bagong Pasaporte.
  • Pagkatanggap ng inyong bagong Pasaporte, kayo rin ay pinapayuhang bumisita sa pinakamalapit na “Nyuukoku Kanri-Kyoku (入国管理局)” o Immigration Office. Duon ay maaari ninyong ipalipat ang inyong Bisa at ang tinatawag nilang “Sai-Nyuukoku Shoumei (再入国証明)” o Re-entry Permit.
  • Bago na rin ang inyong Passport Number kung kaya pinapayuhan ko rin kayong bumisita sa City Hall o “Shiyaku-sho (市役所)” para maipa-update ninyo ang impormasyon sa inyong Alien Registration Card o ang tinatawag nilang “Gaikoku-Jin Touroku Shoumei-Sho (外国人登録証明書)”.

 

Mga karagdagang impormasyon:

  • Siguraduhing maganda di kaya’y pogi kayo sa litrato dahil limang taon nyo rin yang gagamitin. 🙂
  • Hindi ko lang sigurado kung sinusunod ito ng Embahada ng Pilipinas pero para na rin sigurado, huwag ipakita ang inyong mga ngipin sa litrato. Ito raw ay para masiguradong neutral ang inyong itsura at nang madali kayong makilala.
  • Balita ko rin ay mahigpit sila sa sukat ng litrato. Siguraduhing sundin mabuti ang kanilang hinihinging sukat ng litrato at sukat ng mukha nang hindi mapatagal ang inyong Aplikasyon.
  • Sa kaso ko, ika-2 ng Disyembre, 2004 ko pinadala ang aking Aplikasyon, ika-7 ng Disyembre nila natapos ang paga-ayos, ika-10 ng Disyembre nila ipinadala sa akin at ika-15 ng Disyembre ko naman natanggap ang aking bagong Pasaporte.
Advertisements

One Comment Add yours

  1. lijialefw says:

    The story is about a very small (wow gold)because the (wow gold)reasons for the (wow gold) expulsion Chushi doors have been forced to(wow power leveling) living on the United Kingdom, (wow power leveling)in abroad alone the people(wow power leveling) struggling for survival. A naturally do not (wow power leveling) agree with the ethical person. A war many of the cracks in the middle of the(wow gold) pursuit of hard power of (World of Warcraft gold) extreme people. A look at(wow power leveling) the friendship will be more important than the lives of people. The best of life, the best of the best stories or Long Road. Like Xiuzhen’s friends must-see (Rolex)category.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s