Anung Lahi Ba Talaga Ako?

Kamakailan ay lagi akong nababahala sa tanong na “Anung lahi ba talaga ako?” Lagi akong naniniwalang ako ay Pilipino mula pa nung aking kabataan subalit kamaikailan ay napagi-isip-isip at napagmu-muni-muni muli ako sa kung anung lahi nga ba talaga ako.

Ang aking Pamilya

Parehong mapuputi ang aking dalawang kapatid. Singkit nga lang si kuya samantalang si bunso ay hindi. Sa aming tatlo, ako lang ang kayumanggi at tulad ng aming bunso ay hindi singkit. Para bang ang kuya ay Tsino, ako ay Pilipino at ang aming bunsong kapatid ay ang pinag-halong Tsino at Pilipino. Hindi ako magtataka kung magiging mapuputi ang aking mga anak dahil maraming pagmamanahan.

Katulad ng aking ama, mapuputi halos lahat ng aking mga kamag-anak sa Pampangga samantalang tulad ng aking ina, kayumanggi naman halos lahat ng aking kamag-anak sa Bulakan.

Minsan sa loob ng aking utak ay naihahalintulad ko ang sarili ko kay Jose Rizal na ayon sa aking mga nabasa ay Pilipinong may lahing Tsino. Tulad ni Rizal, mapuputi rin ang aking mga kapatid at tulad din ni Rizal, ako ay Pilipinong Kayumanggi.

Sa Thailand

Nung bumisita ako sa Thailand kamakailan ay may isang taga-ruon na lumapit at nagtanung sa akin kung ako ay Pilipino. Tinanong ko sya kung pano nya nalaman at bakit hindi nya man lang ako napagkamalang taga-Malaysia o taga-Indonesia. Sagot nya… parang mga Thai, mas mapuputi ng konti kaysa mga taga-Malaysia at mga taga-Indonesia ang mga Pilipino.

Napag-isip-isip ko lang na karamihan lang siguro ng mga nakikita niyang Pilipino na dumadalaw sa Thailand ay yung mga mapuputi pero ang katotohanan niyan ay marami ring mga Pilipino na kakulay ng mga taga-Malaysia at mga taga-Indonesia. Marahil ito ay nagpapatunay na karamihan ng mga Pilipinong may pera na nakapagba-bakasyon sa Thailand ay yung mga mapuputi.

Marahil nuong unang Panahon ay talagang magkakamukha ang mga taga-Malaysia, taga-Indonesia, taga-Thailand at taga-Pilipinas pero dahil di tulad sa Malaysia at Indonesia, laganap sa Pilipinas at sa Thailand ang pagha-halo o ang inter-marriage sa mga Tsino at iba pang mga dayuhan kung kaya sa katagalan ay nagbago na rin kahit kaunti ang kulay ng pangkaraniwang tao.

Pero sa paningin ng mga hindi galing sa Timog-Silangang Asya, magkakamukha pa rin tayo.

Kayumanggi?

Napag-aralan ko sa Mababang Paaralan na ang kulay ng Pilipino ay kayumanggi pero bakit ang lahat halos ng kebigan ko sa Mababa at Mataas na Paaralan ay mapuputi? Sa mga kabarkada ko yata ay ako na yung pinaka-kayumanggi. Hindi ko naman yun masyadong dinamdam dahil nung panahong yun, masaya na ko sa kaalamang lahat kami ay Pilipino.

Kahit yung mga nagtataka na bakit sa aming magkakapatid ay ako lang yung Kayumanggi ay hindi ko rin masyadong pinansin. Ang lagi kong paliwanag: Nakuha ng mga kapatid ko ang kulay ni Itay samantalang nakuha ko naman ang kulay ko sa Inay.

Marami ang hindi naniniwala na magkakapatid nga kami talaga pero kung tutuusin, maraming pamilyang Pilipino ang tulad naming pinaghalong mapuputi at kayumanggi. Lahat nga lang ay nagkakasundo na ang kasalukuyang Pilipino ay ang kinalabasan nang pagha-halo ng maraming Malay, marami-raming Tsino at kaunting Kastila kung kaya’t mahirap talagang ilarawan kung ano na talaga ang Pilipino.

Taga-Indonesia

Kamakailan kasama ko ang aking kaibigang taga-Canada at nakakita kami ng isang pangkat ng mga taga-Indonesia. Gulat ako nang tinanong ng kebigan ko kung bakit mas maputi raw ang mga kakilala nyang Pilipino kaysa sa mga taga-Indonesia na aming nakasalubong. Hindi ko rin alam ang tamang sagot, ang sinabi ko na lang ay ang karamihan ng Pilipino ay kakulay ng mga taga-Indonesia pero may kaunting halong Kastila at Tsino kaya siguro mas maputi kami ng konti.

Baka rin mas mainit ng konti sa Indonesia kaya mas nabibilad sila sa araw kaya sila mas umitim. Pero haka-haka ko lang yun.

Advertisements

2 Comments Add yours

  1. Torbik says:

    try to visit the site http://www.elaput.org/pinsika3.htm

    Kapampangan Mula Sumatra

    baka makatulong.

    Like

  2. Maganda yung site na binigay mo. Dapat pa nating ikalat ang kasaysayan ng Pilipinas bago pa dumating sa ating mga lupain ang mga Kastila.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s