Ang Pagiging OMG-Certified UML Professional

Nuong nakaraang Sabado ay kumuha ako at sa kabutihang palad ay pumasa sa OMG-Certified UML Professional (OCUP) Fundamental Exam. Ito ang sinasabi nilang pinakamadali sa tatlong pagsusulit na ino-offer nang Object Management Group (OMG) na pumapatungkol sa UML.

At dahil na rin gusto kong makatulong sa ibang mga Pilipino para kumuha at pumasa nito, napag-isipan kong ipunin dito lahat nang aking karanasan at natutunan. Pero kung inaasahan ninyong magbibigay ako nang mga tanong galing sa Exam, asa pa kayo!

Sumang-ayon ako sa isang kontrata nila na hindi ako pwedeng magsabi nang kahit anung bahagi nang Exam. Ito ay para na rin mapangalagaan ang reputasyon ng Certification ko. Oo nga naman… mawawalan naman nang kwenta yung pinaghirapan ko kung magli-leak lang din naman ako nang mga tanong.

Ang Pagkuha Nang Exam

  1. Binasa ko ang lahat nang mababasa kong impormasyon tungkol sa Exam mula sa website nila at sa iba pang sources. Nag-search din ako nang impormasyon mula sa Google at pati na rin sa Google Groups.
  2. Nagpa-reserve ako para makakuha nang exam. Napili kong kunin ang exam sa pinakamalapit na Prometric Testing Centers sa akin dito sa Japan. Meron din silang Testing Centers sa ibang bansa at sigurado rin akong meron sila sa Pilipinas. Medyo mahal nga lang kapag sa Japan kukunin ang exam. Ang presyo ay $200 pero pag sa Japan, ang presyo ay Y31,500 (mga $300 sa panahong ito). Dito sa Japan, pinapili nila ako kung gusto kong kunin ang Exam in Japanese o in English. Siyempre, English ang pinili ko.
  3. Inaral kong mabuti ang mga sinabi nilang dapat aralin sa website nila. Kahit medyo nakakalulang intindihin ang UML 2.0 Superstructure Specification ay pinilit ko itong intindihin. Marami rin kasi sa internet ang nagsabi na mahalaga ito para makapasa sa Exam na ito at sa tingin ko ay tama nga sila.
  4. Sa araw nang exam, ang kinailangan ko lang dalhin ay ang Confirmation Letter nila na natanggap ko sa email at ipinirint ko. Kasama na rin ang dalawang Identification Card… isang may picture (hal. Driver’s License) at isang may signature (hal. Credit Card). Nakasulat naman sa Confirmation Letter nila kung anu-anong klase nang Identification Card ang tinatanggap nila at kung hindi pa rin sigurado, maaari niyo silang tawagan at tanungin.
  5. Pagkatapos kunin ang exam ay malalaman kaagad ang resulta. Pagkatapos yata nang isang buwan, makakatanggap ako nang Certification Kit. Hindi ko pa natatanggap ito kaya hindi ko pa maiku-kuwento sa inyo pero nakasulat naman sa FAQ nila kung ano ang laman nito.

Mga Payong Kaibigan

  1. Mag-aral kayong mabuti dahil hindi maliit na pera ang $200. Kapag binagsak ninyo ang Exam at mag-apply uli kayo, walang discounts at $200 pa rin ang babayaran ninyo.
  2. Siguraduhing pag nag-aaral kayo, hindi nyo lang matutunang magbasa at umintindi nang mga UML diagrams, intindihin niyo rin kung anu ang tawag sa mga baha-bahagi nito.
  3. Siguraduhing na-master ninyo ang *Basics* nang apat na UML Diagrams na sakop nang Fundamental Exam: Class Diagrams, Activity Diagrams, Interaction Diagrams (kasama na ang Sequence Diagrams) at Use Case Diagrams. Kung hindi sigurado kung alin ang “Basics”, basahin muli yung PDF file sa Website nila.
  4. Makakatulong din kung may experience kayo sa pag-drowing nang UML Diagrams kaya simulan niyo nang gumamit nito sa mga Documentations nang projects ninyo. Mas madali kasing matandaan yung mga konsepto kapag nagamit niyo na sa aktuwal na proyekto.

Sana ay nakatulong ako para mabigyan kayo nang impormasyon tungkol sa Exam na ito. Sana rin ay ma-inspire ko kayo na kumuha nito. Sabi nga nila sa Japan, “Ganbatte Kudasai” na sa Filipino ay “Galingan mo!”

Basta ako, pinag-iisipan ko pa ngayon kung kukunin ko ba yung susunod na exam nila, ang OMG-Certified UML Intermediate Exam. Hanggang sa susunod.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s