Singles at Doubles

Sakto isang taon mula ngayon ay sumali ako sa Tennis Club nang aking kumpanya. Ngayon, adik na adik na ko sa Tennis at hindi ko na ma-imagine ang buhay ko kapag walang Tennis.

Kahit nasa bahay lang ako, lagi kong pina-praktis ang mga strokes ko. Nagbabasa ako nang mga magasin at ginagaya ko ang mga strokes nang mga sikat na maglalaro tulad nila Federer, Roddick at Hewitt.

Bawat linggo ay mula anim hanggang walong oras ako kung maglaro nang tennis. Dalawang oras sa Miyerkules, apat hanggang anim na oras sa Sabado. Kasama na rito yung isang class na pinapasukan ko kung saan may isang coach na nagbibigay nang mga payo sa kung paano ang tamang pamamaraan sa paglalaro nang tennis.

Nakasali na rin ako sa mga Tournament. Dalawang beses na rin kaming sumali at sa kasamaang palad ay dalawang beses na rin kaming natalo pero hindi ito nagiging dahilan para mawalan kami nang loob. Imbis, lalo pa kaming naa-adik at lalo pa kaming gustong sumali sa mga tournament. Sa katunayan niyan, may sasalihan na naman kaming tournament sa ika-8 nang Mayo, 2005.

Marami rin ang nagtataka kung bakit hindi ako tulad nang ibang Pinoy na sa Basketbol naa-adik. Ako rin ay nagtataka pero wala talaga akong kahilig-hilig sa basketbol. Sinubukan kong maglaro nang konti nuong college pero talagang walang epekto sa ‘kin. Hindi rin ako mahilig sa Soccer o kaya ay sa Baseball tulad nang maraming Hapon.

Hindi yata talaga ako mahilig sa mga team sports tulad nang Basketbol, Soccer at Baseball. Napansin ko rin na mahilig ako sa mga larong may raketa tulad nang Lawn Tennis, Table Tennis at paminsan-minsan Badminton.

Kung mabibigyan nang pagkakataon, mas pipiliin ko rin ang Singles kaysa Doubles. Sayang nga lang at dito sa Japan, halos lahat ay Doubles kung maglaro. Mabuti na nga rin siguro yun dahil hindi masyadong nakakapagod at sa kalahati lang nang court dapat habulin ang bola.

Kung tutuusin, hindi lang sa isports ako mahilig sa Singles. Kahit sa trabaho, mas gusto ko na ako lang ang gumagalaw nang source code ko at kadalasan, naiinis ako sa mga ka-team ko kapag binabago nila ang code ko. Para bang ang nasa isip ko ay dudumi ang source code ko kapag binago nang iba.

Maski siguro sa personal na buhay. Masaya ako na sumama sa mga lakwatsa at mga parties pero sa bawat isang oras nang party na pupuntahan ko, gusto kong bawiin nang dalawang oras nang walang kasama. Wala din naman akong masyadong ginagawa pag mag-isa ako pero natutuwa lang siguro ako sa katahimikan nang paligid.

Nakupu, dapat kong baguhin ito kung gusto kong magka-asawa. Yayay!

Advertisements

2 Comments Add yours

  1. eiram says:

    pareho tayo, mas madalas nga mas gusto ko pang nag iisa, nagsa surf o nanonood ng tv kesa sumama sa mga prends ko… things that they don’t understand sometimes…

    it’s not being a loner or anything, siguro ano lang… mas naeenjoy ko yung time na mag isa ako and i can do anything, and have fun at the same time.

    btw…mare po ako…:)

    meron na po akong blog, kaya lang english din eh… I tried writing in Tagalog kaya lang ewan ko, hinde ako makuntento.

    you’ve been to my blog, I guess kasi don ko nakuha ang link ng blogsite mo.

    Like

  2. Hello ulit, eiram. Ikaw rin yung nag-reply sa isa ko pang post tungkol sa Pinoy Keyboard diba. Hehe. Anu ang address nung blog mo at nang matingnan ko naman. Meron din akong English site bukod pa dito sa Filipino site. Mas marami nga akong article dun eh pero napag-isip-isip ko na sumusobra na ang dami nang English articles ko kaya kamakailan, Filipino na ang ginagamit ko.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s