Ang Titik ‘ng’

Bakit tayo may titik ‘ng’ at bakit bukod pa ito sa titik ‘n’ at titik ‘g’? Nakakalito hindi po ba?

Halimbawa na lang sa pangalan ko. Ilang titik meron sa “Pangan”? Anim ba o Lima? Ang ‘ng’ ba sa “Pangan” ay isang titik o dalawang titik? Kahit ako ay hindi sigurado at napakahirap din nitong i-explain sa mga dayuhan maski sa kapwa Pilipino.

Kadalasan, wala rin akong maisip na salita na gumagamit nang titik ‘ng’ na binibilang bilang isang titik.

May suhestiyon ako para mawala ang pagkalitong ito. Gumamit tayo nang bagong letra na pampalit sa titik ‘ng’. Kapag ginawa natin ito, hindi na tayo malilito sa pagkakaiba nang titik ‘ng’ sa titik ‘n’ at titik ‘g’. Sa mga simbulo sa Unicode na nakita ko, ito ang aking napili na magandang pampalit:


Kaya imbis na gumamit nang anim na letra sa pagsulat nang “Pangan”, limang letra na lang ang kailangan at madali pa nating maidi-differentiate ang titik ‘ng’ mula sa titik ‘n’ at titik ‘g’.

Ito’y suhestiyon lang naman na sana ay i-consider nang mga tao. Suportado na rin naman nang Unicode ang simbulong ito sayang nga lang at konti pa lang ang fonts na sumusuporta nito.

Advertisements

2 Comments Add yours

  1. Torbik says:

    mahusay na obserbasyon. magulo nga yan. pero ang napansin ko sa panulat mo ay ang paggamit ng mahabang “nang”. may pagkakaiba dude ang “nang” at “ng”. hemingways, bigtime ka na talga. kotse na ang target.yebah!

    Like

  2. Parang napag-aralan ko nga nung highschool ang pagkakaiba ng “nang” at “ng” pero nakalimutan ko na yun at ngayon, iniisip ko na lang na ang “ng” ay ang pinaiksing version ng “nang”.

    Ano nga ba ulit ang pagkakaiba nila?

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s