Kung Walang Pambili ng Kotse

Kung paminsan-minsan ka rin lang gumamit ng kotse, mag-renta ka na lang!

Hindi mo na kailangang magbayad ng parking space, maintanance costs, comprehensive insurance, recycling fee at isama mo na rito ang kadalasang nakakalulang presyo nang kotse. Hindi mo rin kailangang mamroblema kung anu ang gagawin mo sa kotse mo kapag naluma na at napag-iwanan na ng panahon.

Magbabayad ka lang ng kulang-kulang 6,000 yen (para sa 5-seater na maliit na kotse) sa bawat 12 oras nang gamit. Ang maganda nito, pwede nyo pang paghati-hatian ang presyo sa pagitan ninyong magkakasama. Pati gasolina, hati-hati. Minsan kung ikaw ang magmamaneho, pwede ka pang malibre.

Bawat gala nyo pa, iba ang kotseng sakay niyo at nakakasigurado kayong alaga ito nang renting company. Kung sa Toyota Rent-a-Car pa kayo manghihiram, makasisigurado rin kayong may GPS Navigation System ang inyong kotse. Kung marunong kayong gumamit nito, makasisigurado rin kayong hindi kayo maliligaw at makakatipid pa kayo sa gasolina dahil mapipili ninyo ang pinaka-maiksing daan patungo sa kung saan man.

May insurance din ang mga nire-rentang kotse na ito pero kailangan ninyong magbayad nang kulang-kulang 1,000 yen. Kaya kung sakali mang minalas kayo at ma-aksidente kayo na huwag naman po sanang mangyari, makakatulong ito sa mga gastusin. Ilang beses na rin akong nakapag-hiram ng kotse at sa kinabutihang palad naman ay hindi ko pa kinailangang gamitin ang insurance.

Paano magrenta? Madali lang! Siguraduhin nyo lang na may lisensya kayo na inisyu ng Japan. May nakapagkwento sa kin na pwede rin ang International License pero hindi yata lahat nang renting companies tumatanggap nito. Pumunta ka lang sa opisina nila para magpa-reserve at sila na bahalang magsabi sa inyo nang detalye. Pwede ring magpa-reserve sa internet kung marunong kayong magbasa nang Hapon. Pwede rin sa telepono kung marunong kayong maikipag-usap nang Hapon.

Talaga ngang napaka-convenient ng Rent-a-Car pero ewan ko ba kung bakit gusto ko pa rin talaga nang sarili kong kotse. Hindi ko alam kung image o porma lang ba ang hanap ko o gusto ko lang talagang mag-tapon nang pera. Siguro gusto ko rin yung hindi limitado nang oras ng Rent-a-Car na kadalasan ay mula alas-8 nang umaga hanggang alas-8 nang gabi.

Haay, gusto ko nang kotse. πŸ˜‰

Advertisements

7 Comments Add yours

  1. MeemaX says:

    hello rico! wala lang. natuwa kase ako sa blog mo, kaya nagpost ako ng comment. not much of a comment though (tama ba spelling neto?). sensya na, just passing through.

    Like

  2. rose says:

    hi rico! bili ka na(kotse)! itapon mo pera mo paminsan-minsan. cge na… indulge! πŸ˜›

    Like

  3. MeemaX says:

    haha! ganun? pinagkakaguluhan pala ang blog ko (assuming talaga ako hehehe)… once a week lang siguro ako maguupdate pero sige, i won’t let you down. hahahaha…

    Like

  4. @Rose, hayaan mo para pag nag-business trip ka dito, pwede kitang igala sa mga kaduda-dudang lugar. Hehe.

    @Meemax, ayaw mo nun, sikat ka at kilala ka na nang mga taga-Kagoshima. πŸ™‚

    Kelan ba kayo magbi-BT dito? Parang na-excite tuloy akong makita kayo. Hehe.

    Like

  5. jheric says:

    rico, angkas mo ako sa kotse mo…

    Like

  6. Hehe Spindoctor, nai-angkas na naman kita sa kotse nang tatay ko nung nasa Pinas pa ‘ko ah. πŸ˜‰

    Yung kotse ko sa Japan kasi nasa tindahan pa, hinihintay pa na bilhin ko siya. Malamang mga ilang buwan pa. Huhu.

    Like

  7. MeemaX says:

    @enrico: haha! i wish. kaso tong group ko, feeling ko ginawa lang para me excuse ang mga haps magBT dito sa cebu. Natutuwa na sila dito eh. nakakapasyal sa mga kadudadudang lugar hahahahaha!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s