Nang Dahil sa Tennis

Nang dahil sa Tennis, nanatili ang aking timbang sa 65 kilo kahit na malakas pa rin akong kumain. Bago ako nagsimulang mag-tennis, umiikot ang timbang ko sa 70 hanggang 75 kilo. Sa aking taas na 171 cm, malapit na ang 65 sa aking computed ideal weight na 64 kilo.

Nang dahil sa Tennis, dumami ang kakilala ko sa opisina. Apat na oras sa isang linggo kung maglaro ang aming Tennis Club kaya ito ay nagiging isang magandang venue para makihalubilo sa ibang tao. Bukod sa nakakasama ko silang maglaro, nakakasama ko rin silang magsasali sa mga tournament kung saan lumalaban kami sa ibang mga Tennis Clubs dito sa Kagoshima.

Nang dahil sa Tennis, mahirap na rin akong makalap sa mga gabi nang Miyerkules at Sabado. Sa mga gustong makita ako sa mga gabing ito, hanapin niyo lang ako sa mga Tennis Courts nang Kagoshima at malamang andun ako.

Nang dahil sa Tennis, lalo akong nagkaroon nang dahilang bumili ng kotse. Kelangan ko nang kotse para makapunta sa mga Tournament na madalas ay ginagawa sa labas nang siyudad at para na rin makapunta sa mga Tennis Courts sa labas nang siyudad na mas madaling makahanap nang reservation.

Nang dahil sa Tennis, lalo akong nangingitim. Maitim na nga akong talaga lalo pa akong nabibilad sa araw. Mukhang malapit nang sumuko ang sun block sa akin dahil masyado ko siyang pinapahirapan sa bawat punta ko sa mga laro.

Nang dahil sa tennis, lumalaki ang aking kanang braso. Kapag pinagtabi ang aking magkabilang braso, kapansin-pansin na mas malaki ang kanan kaysa kaliwa. Dapat siguro paminsan-minsan, kaliwang braso naman ang gamitin ko kapang naglalaro.

Nang dahil sa tennis, nasusundan ko na ang mga laban nang mga sikat na manlalaro tulad nila Federer at Sharapova. Alam ko na kung sino ang nanalo sa kung saang tournament at minsan, alam ko na rin kung ano ang mga nangyayari sa kanilang buhay sa labas nang kanilang mga laro.

Adik na adik na ako sa Tennis.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s