Sakyan na ang Nota


Nissan Note (Image SourcePosted by Hello

Sa ngayon, Ang Nissan Note ang kotse na sa tingin ko ay karapat-dapat na tumanggap ng aking pinag-hirapang yen.

Kung walang magiging problema, baka matuloy na ang aking pangarap na bumili ng kotse sa Agosto ng taong ito at kung hindi magbabago ang aking isip, malamang ito ang aking bibilhin. “Nissan Note” ang tawag dito sa Japan samantalang “Nissan Tone” naman ang malamang itawag dito sa ibang bansa. Hindi pa ito ibinebenta sa Pilipinas.

Hindi siya gaanong kalakihan kaya hindi naman siguro ako mahihirapang sumiksik sa mga maliliit na paradahan at eskinita ng Japan. Hindi rin naman sya masyadong maliit kaya’t hindi naman ako siguro liliparin sa highway kapag may nag-overtake sa aking malaking trak.

Hindi rin siya gaanong kamahalan kaya hindi naman siguro ako mamumulubi kapag binili ko ito. Kung tama ang aking mga kalkulasyon, humigit-kumulang 1,900,000 yen (934,800 pesos) ang gagastusin ko kasama na rito yung mga tax, insurance at pati na rin yung presyo ng GPS System na gusto kong ipa-dagdag bilang option. Balak ko ring kumuha ng loan sa kumpanya (2.9% interes) kaya kakayanin naman siguro ito ng budget ko.

Hindi rin siya gaanong matakaw sa gasolina dahil 1500cc lang ang makina nito. Kung tama rin yung mga website na nabasa ko, 18.2 kilometro kada litro (km/L) ang kayang takbuhin nito. Ang 1999 Toyota Corolla 1.6 GLi ay pumapatak sa 5.8 km/L kaya kitang-kita ang pagkakaiba. Sa panahong ito na mukhang walang makapipigil sa pagtaas ng presyo ng gasolina lalo na’t ang presyo ng gasolina sa Japan ay pumapatak na sa 125 yen kada litro (60 pesos kada litro), kailangang isipin din ang mga bagay na ganito.

Kung porma naman ang pag-uusapan, hindi rin naman siguro papatalo ang Nissan Note. Ang harapan nito ay mukhang pinag-halong Nissan March at Nissan Murano. Ang likuran naman nito ay mukhang Nissan X-Trail. Ikumpara sa mga kalaban nito tulad ng Toyota Ist, Honda Fit (Honda Jazz sa Pilipinas), Mazda Verisa at Mitsubishi Colt, ito na ang sa tingin ko ang pinaka-gwapo. Pero siyempre, kanya-kanyang opinyon lang yan.

Hindi ko pa nasusubukang sakyan ang Nissan Note kaya hindi ko rin masasabi kung maganda ang pakiramdam sa loob nito. Tulad nga ng payo ng aking kaibigan, siguraduhin kong mag-test drive muna ng kotse bago ko ito bilhin. Pinakamahalaga raw sa pagpili ng kotse ay kung ano ang pakiramdam mo habang nakasakay ka dito. May mga mamahaling kotse na mali ang pakiramdam at may mga mumurahing kotse na tamang-tama ang pakiramdam.

Ang ganda ng payo nang kaibigan ko, diba? 😉

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s