Ang Ating Lupain

Movie Review: “Hero”

Sa panunuod ng pelikulang Tsino na pinamagatang “Hero”, hindi ko mapigilang ikumpara ang mga pangyayari na nangyari nuon sa mga bagay-bagay na nangyayari ngayon.

Hango raw ito sa totoong kuwento.

Nagsimula ang istorya nuong mga dalawang libong taon na ang nakalilipas kung saan ang bansang Tsina ay hati-hati pa sa mga maliliit na kaharian. Ang pinuno ng kahariang Qing ay naglayong pag-isahin ang mga kaharian sa ilalim ng iisang pinuno at iisang wika at dahil na rin dito, marami siyang natapakan at marami rin ang gustong maghiganti.

Isa na rito ang mandirigmang walang pangalan (ginampanan ni Jet Li) na naglayong tapusin ang buhay ng Hari ngunit dahil na rin sa mga salitang iniwan sa kanya nang mahusay na mandirigmang pinangalanang Broken Sword, hindi na niya ito tinuloy.

Ang salitang iniwan sa kanya ni Broken Sword: “Our Land” o kung anu man ang katumbas nito sa kanilang wika.

Bago pa nangyari ang lahat nang ito, nagkaroon din nang pagkakataon si Broken Sword na tapusin ang buhay ng Hari ngunit hindi niya ito tinuloy dahil sa paniniwalang tanging ang Haring ito ang may kakayahang pag-isahin ang mga maliliit na kaharian sa bansang Tsina.

Nuong una ay naalala ko ang bansang Taiwan, dahil na rin sa pagmamatigas nito na hindi makipag-isa sa bansang Tsina. Baka ika ko isang propaganda ang pelikulang ito para impluwensiyahan ang pag-iisip ng mga Taiwanese at nang mapasama na muli ito sa bansang Tsina.

Ngunit pagkatapos panuorin ang pelikula ay naikumpara ko rin ang istorya nito sa Pilipinas. Tulad ng mandirigmang walang pangalan, marami ang hindi natutuwa sa pamamalakad ng ating gubyerno… marami ang naiinis sa wikang Filipino dahil Tagalog o ang wika sa Maynila ang napiling basehan nito… marami ang nagbabalak mamundok at lumaban sa gubyerno.

Hindi mapipigilan ang mga ganitong pag-iisip ngunit kung tulad ni Broken Sword na kinalimutan muna ang sarili at inuna ang kapakanan nang bayan o ang tinatawag niyang “Our Land”, kailangan nating matutunang magbigay prayoridad sa ating Bayan at kasama na rin dito ang wikang tinatawag nating Pambansang Wika, ang Filipino.

Marahil nga kung ikumpara sa bansang Tsina ay batang-bata pa talaga ang ating bansa at marami pa tayong kailangang matutunan at maranasan bago natin makamit ang tunay na pagkaka-isa pero kung tayo ay magtutulungan, mapapadali ito.

Dalawang libong taon na ang nakalilipas sa bansang Tsina nang si Broken Sword ay nag-iwan nang dalawang salita na bumago sa kanilang bayan. Ngayon, gusto ko rin gamitin ang mga salitang ito para magbago at magkaisa ang aking bayan…

Ang Ating Lupain.

Advertisements

One Comment Add yours

  1. jheric says:

    lagyan mo ng tagboard yung blog mo… hehehe…

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s