Talunan sa Chiran

Nuong Linggo, kami nang aking kaibigang Koreano ay sumali sa isang Tennis Tournament (チランピオンテニス大会) na ginanap sa Chiran, Kagoshima (知覧テニスの森公園). Sa kinasamaang palad ay hindi kami nanalo kahit isa. Idagdag pa duon, 1-6 ang score dun sa unang laban tapos 0-6 dun sa pangalawa.

Kami ay nilampaso nang aming mga kalaban.

Hindi rin pinalad ang ibang pares na pinadala nang aming Tennis Club. Wala ni isang pares ang umabot sa Round 2 kung kaya lahat kami ay medyo malungkot pagkatapos ng aming mga laban. Mas maganda pa ang naging resulta nuong huling sinalihan naming tournament. At least duon, may isang team sa amin na umabot sa Round 2 at yung iba naman ay hindi basta-basta nagpa-lampaso sa aming mga kalaban.

Hindi naman kami siguro nagkulang sa praktis dahil hindi kami bumababa sa anim na oras nang praktis bawat linggo.

Hindi rin naman kami siguro nagkulang sa pahinga dahil napahinga naman kami nung isang linggo dahil Golden Week dito sa Japan at hindi na rin kami naglaro nuong Sabado nang Hapon.

Nuong una ay gusto kong sisihin yung aking ka-team dahil hindi pumapasok ang halos lahat ng serve niya at kahit yung mga return niya maski mabilis ang bola, madalas namang out.

Subalit napagisip-isip ko na pati ako ay nagkulang. Mahihina ang mga tira ko kaya nabibigyan nang pagkakataon ang kalaban upang maghanda at tumira nang malakas. Sabi nga nung isang kasama namin na nanuod sa aming laban, mas magaganda pa ang tira ko tuwing praktis.

Tama nga siya.

Kahit ako ay napansin kong mas magaganda ang mga tira ko tuwing praktis. Malamang nga ay ayaw kong gamitin ang malalakas na tira at imbis ay sinisiguro kong papasok yung bola kahit mahina. “Slowly but surely” ika nga nang commercial nang Purefoods.

Malamang rin ay kulang kami sa teamwork nang aking ka-team dahil kadalasan nang aming mga praktis ay singles lang.

Haaay ang sama nang pakiramdam nang talunan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s