Brand New o Segunda Mano

Ngayon ay nalilito ako kung brand new ba o segunda-manong kotse ang bibilhin ko.

Maganda kung brand new dahil makasisigurado akong walang gas-gas, hindi laspag, amoy bago ang loob at nasa perpektong kondisyon ang kotse. Maganda rin naman kung segunda mano dahil sa parehong halaga ay makabibili ako ng mas malaki at mas magandang modelo.

Ang brand new, maluluma rin naman at magmumukhang segunda mano makalipas ang ilang taon. Ang segunda mano, luma na sa simula pa lang ngunit wala namang makaka-alam na segunda mano ito maliban na lang kung sasabihin ko.

Siguro ang magandang kompromisa ay bumili ng segunda-mano pero bago-bagong modelo kaya lang konti lang ang magiging pagkakaiba ng presyo nito sa kaparehong bagong kotse.

Kung brand new, malamang ang bibilhin ko ay Nissan Note o Toyota Vitz samantalang kapag segunda mano, malamang ang bibilhin ko ay Mazda Axela (Mazda 3 sa ibang bansa) o Toyota Allion.

Sa Agosto ko pa planong bumili ng kotse pero ngayon pa lang ay nililito ko nang masyado ang sarili ko. Dapat lang dahil malaki-laki ring pera ang gagastusin ko rito at kung matutuloy, ito ang pinaka-unang kotseng bibilhin ko sa buong buhay ko.

Dapat siguro ay gawin ko na lang itong bunutan na kung anu man ang mabubunot ko, yun ang bibilhin ko. Sana nama’y hindi ako magsisi sa aking magiging desisyon, kung anu man yun.

Decisions. Decisions.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s