Sakyan na ang Toyota Allion

Eto na ang aking bagong baby… my “brand new second hand” Toyota Allion. Nung isang buwan ko pa ito binili pero ngayon ko lang nilagay dito sa blogsite dahil ngayon ko lang natanggap yung picture na kinunan ng kebigan ko.

Sakyan na ang Toyota Allion
Sakyan na ang Toyota Allion

Ang pangalang “Allion” ay pina-iksing “All-in-one” ayon na rin sa website ng Toyota. Ito raw ay dahil kahit ano ay kayang gawin nito. Siyempre, alam ko namang marketing gimmick lang yun pero more or less, parang nakikita ko yung ibig nilang sabihin.

Pwede syang pang-sporty. Ito ang sporty brother ng mas eleganteng Toyota Premio. Magkamukhang-magkamukha sila ng interior pero mas ginawang sporty ang exterior ng Allion para na rin ma-target nito ang mga mas nakababatang buyers (tulad ko). Tamang-tama nga naman dahil ang main purpose nya ay ang dalhin ako sa iba’t-ibang tennis courts dito sa Kagoshima. Sporty nga!

Pwede rin siyang pang-luxury. Kahit hindi sya kasing luxurious ng mga kilalang German cars, mas mataas naman (siguro) ang antas ng luxury niya kaysa sa mga pangkaraniwang Corolla at Civic. At tulad nga ng nabanggit ko kanina, magkamukhang-magkamukha sila ng interior ng eleganteng Premio.

Pwede siyang pang-utility. Malaki yung compartment niya at pwede ring itiklop yung backseat para mas lalo pa itong lumaki. Sa tingin ko nga ay pwede akong maglagay ng futon sa likod kapag nakatiklop ang backseat. Ayoko lang masyadong i-explore itong feature na ito dahil ayokong maging “kargador ng bayan”. Tama na yung tennis bag lang lagi yung nasa compartment. Hehe.

So far, mukhang mage-enjoy ako sa aking naging desisyon na ito. Sabi nga sa kin nung isa pang kebigan ko, “I’m glad you bought a real car”.

Muntik na nga rin talaga akong mapabili nung mga maliliit na kotse na laganap talaga sa Japan. Buti na lang at na-kumbinsi ko ang sarili ko na ok na rin ang segunda-mano basta siguraduhing nasa magandang kondisyon ang kotse.

Sa isang buwang paggamit ko nito, mukha namang ok sa alright pa rin ang kondisyon.

Hay salamat.

Advertisements

6 Comments Add yours

  1. Torbik says:

    congrats rumeyt. may car ka na jan. e di pogi ka na?

    Like

  2. Hehe. Matagal na kong pogi hindi ko kelangan ng kotse para pumogi. Hehe. J/K

    Like

  3. jheric says:

    pa-angkas sa “bagong luma” mong tsikot… hahaha…

    Like

  4. hoop says:

    hey hey hey… Rico my fellow kenshusei! how’s life back in japan? kumusta na ang iba? ano nga ulet batch natin sa CKC? C-18 ba or 8?

    just dropping by, nice to see that you moved your site from tripod to blogger.

    google-d you because I suddenly remembered Japan and the friends I made there.

    Ingat

    Like

  5. Yo hoop! I do remember you to be the first one to recommend that I move from tripod to blogger. Thanks. I’m glad I did. This is so much easier to maintain. 🙂

    Otagai Ganbarimashou!

    Like

  6. hoop says:

    oh nga no? that was a long time ago. Nice to see that you are doing well.

    drop by my blog if you have time rin 🙂

    ingat

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s