Kapag May Gumasgas sa Bumper Ninyo…

Gasgasin niyo rin ang bumper nila!

Yan ang una kong naisip nung pagpunta ko saaradahan ko at nakita kong may gasgas yung bumper ko. Hindi ko alam kung sino ang gumasgas at wala rin yung lagi kong katabing kotse kaya hindi ko ma-check kung may gasgas din siya.

Hindi ko mai-describe ang galit pero buti na lang umandar ang aking cool. Tinawagan ko ang may-ari ng parking lot at sinabi ko sa kanya ang nangyari pero dahil nga hindi ko talaga sigurado kung sino ang may kasalanan, hindi rin niya kayang tawagan basta-basta yung pinagbibintangan kong kotse. Ipinayo niya sa akin na sa pulis ako mag-report.

At yun nga ang ginawa ko, pumunta ako sa pinakamalapit na police box at duon ko inireport ang nangyari. First time kong mag-report sa pulis dito sa Japan kaya medyo excited din ako pero konti lang. Hehe.

Kinuha niya ang aking pangalan, address, kopya ng aking lisensya, car certificate at yung obligatory insurance certificate. Sinamahan din niya ko sa paradahan para kunan ng litrato yung gasgas. Nakakatuwa nga dahil kailangang kasama pa talaga ako habang itinuturo ko yung gasgas duon sa litrato. Mababait nga ang mga pulis dito kahit yung nakausap ko ay medyo may kadaldalan pero sa kabuuan, maasahan at masiyahin.

Pinayo rin niya sa akin na kahit covered ng insurance ko ang mga ganitong kaso (dapat lang kasi ang mahal ng kinuha kong insurance), mas maganda kung malaman namin kung sinu ang gumasgas para yung insurance nung gumasgas ang pagastusin namin. May posibilidad din kasing magmahal pa ang insurance ko sa susunod kong pagpapa-renew kapag ginamit ko ito.

May mga pictures na kami at igagawa rin daw niya ako ng police report. Pwede ko nang ipa-ayos ang gasgas at sisingilin ko na lang yung gumasgas di kaya ay yung insurance company ko para sa gastos.

Dumiretso na kagad ako sa Toyota Techno-shop at sa halagang 12,000 yen (6,000 piso) ay maibabalik raw nila ang aking bumber sa dati nitong ganda. Iniwan ko dun ang kotse at babalikan ko na lang bukas.

Isang weekend akong walang kotse. Haay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s