Buksan na ang Microsoft Bintana

Matutuloy na ang aking matagal-tagal na ring inaabangan: Ang paglalabas ng Microsoft “Bintana”!

Ayon sa Manila Bulletin, malamang ay ilabas na rin ang Filipino version ng Microsoft Windows bago matapos ang taon. At ‘di tulad ng “Starter Edition” na nilabas nila sa Thailand, Indonesia, Malaysia, India at South America, mukhang kumpleto ito sa features at ang pinagkaiba lang talaga sa English version ay ang wikang ginamit.

Sigurado akong marami diyang mga intelektwal-kuno na pagtatawanan lang ito at isusumpang hindi sila hahawak ng Filipino Version pero ako po ay isa sa mga naniniwalang ito ay mabuting hakbang para ma-democratize ang paggamit ng kompyuter sa Pilipinas.

Kaya nilang murahan ito para mabili ng pangkaraniwang Pilipino. Sa ngayon kasi, kapag minurahan nila ang English Version na ibinebenta sa Pilipinas, siguradong sa Pilipinas magsisibilihan ang mga Kano at taga-iba pang bansa at malulugi ang mga nagtitinda nito sa ibang bansa. Murahan man nila ang Filipino Version, hindi ito bibilhin ng mga Kano dahil ang makaka-intindi lang nito ay tayo-tayo ring mga Pilipino.

Dahil wikang Filipino ang ginagamit, mas madadalian din ang karamihan sa mga pangkaraniwang Pilipino na gamitin ito. Hindi na magugulat si Juan at si Inday kapag nakakita sila ang icon na “Accessibility Options” dahil nga naman mas madaling intindihin ang “Mga Options Para sa May-Kapansanan”.

Siyangapala, huwag kayong matakot sa kalalabasan kapag isinalin nila sa Filipino ang mga salitang tulad ng “Save” at “Print”. Sigurado akong hindi malalim na Tagalog ang kanilang gagamitin kundi ang Filipino na ginagamit natin sa pang-araw-araw. Malamang ang “Save” ang maging “i-Save” at ang “Print” ay magiging “i-Print”.

Sigurado rin akong walang magdududa sa mga translations na ginawa katulong ang isa sa mga kilalang National Artists ng Pilipinas na si Virgilio Almario.

Sa mga talagang mapipilit at ayaw man lang hawakan ang lalabas na Filipino Version ng Microsoft Windows, siguraduhing handa kayong maglabas na mas malaking pera pambili ng English Version.

No to software piracy.

Advertisements

3 Comments Add yours

  1. Jays says:

    helu, pinay rin ako na nakatira sa japan ^-^ appir tayo* hehe
    totoo ba yng “windows bintana”?! parang hndi ako makapaniwala?!?!

    Like

  2. Hello Jays, cool ng website mo kaya lang mukha ka nang Haponesa pero cool pa rin! Ganbatte Kudasai. 🙂

    Siyangapala, ayon sa website na ito, mukhang walang Microsoft Bintana pero merong Microsoft Windows XP (Filipino Language Edition). Katulad ito ng Starter Editions na nilabas nila sa Thailand, Malaysia atbp. na kulang-kulang sa features. Haaay.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s