Pag-uwi sa Pilipinas

Sa pag-aakala kong mauunahan ko ang lahat ng ibang Pinoy dito sa Japan, tatlong buwan pa lang bago ako lumipad papuntang Pilipinas ay nagpa-reserve na ako ng flight… pero nagkamali ako.

Naunahan pa rin ako!

Gusto ko sanang lumipad ng December 22 para makamura dahil mula December 23 ay biglang magmamahal lahat ng presyo.

Pero nauna pa rin sila sa akin.

Nag-inquire ako sa Arukikata at ang sabi sa ‘kin puno na raw ang lahat ng slots nila papuntang Pilipinas. Kahit China Airlines. Kahit Cathay Pacific. Kahit Philippine Airlines ay puno na rin.

Nagtanong din ako sa WillTours, ang malamang ay pinaka-murang tour agency dito sa Kagoshima. Ang sagot nila? Pareho rin! Puno na ang China Airlines at Philippine Airlines.

Wala na akong choice. Kahit mas mahal sa December 23 ay nagpa-reserve na rin ako. Ang round trip air-fair na nakuha ko ay nagkakahalagang JPY108,000. Hindi pa kasama dito ang Airport Tax na JPY945 at Oil Surcharge na JPY4,000. Sa kabuuan JPY112,945 (humigit-kumulang PHP50,000).

Kung nakakuha ako nung December 22 ay malamang makamura ako ng mga JPY20,000 (PHP 10,000). Sayang talaga. Konting dagdag na lang isang iPod Nano rin yun.

Sa susunod… June pa lang, magpapa-reserve na ako. Pwede namang ipa-cancel 15 days bago ang flight na walang charges.

Sa susunod… mauunahan ko na silang lahat.

Sa susunod…

Advertisements

3 Comments Add yours

  1. Anonymous says:

    sayang talaga!next time 6mons. before pa lang magpareserve ka na kung uuwi ka ng dec. ako ganon ang ginawa ko dati!

    Like

  2. Grace says:

    hello koriks! since nung student pa ako, February pa lang every year, reserved na ang December trip ko. That’s a tip, hehehe. Anyway you can cancel your trip a few short weeks without obligation in case di ka uuwi.

    Like

  3. Wow! Ang aga naman talaga nun… parang kababalik mo pa lang from a December trip… naka-reserve na uli yung susunod na December trip. Hehe. Thanks for the tip!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s