Premini-II: Sulit ba?

Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos kong palitan ang aking DoCoMo cellphone. Ang aking napiling pampalit sa aking lumang N504iS ay ang bago-bagong SO506i na mas kilala sa pangalang Premini-II na gawa ng Sony. Ito na bali ang pang-apat kong cellphone dito at ito po ang aking rebyu.

Ang pinaka-naging dahilan ko sa pagpili nito ay ang kanyang coolness. Itim ang kulay nito, hindi metallic rose, hindi baby blue, hindi purple… black na hinaluan pa ng isang cool na kulay, silver.

Hindi rin ito katulad ng mga nagsisilakihang mga bagong 3G phones dahil isa na siguro ito sa mga pinaka-maliliit na cellphones sa Japan. Hindi rin ito katulad ng kadalasang makikita dito na de-tiklop kaya pwede kang mag-text sa opisina na walang makaririnig nung click na trademark na ng mga de-tiklop sa cellphone kapag well, tinitiklop.

Camera

May kasamang 1.3 Megapixel camera ito pero hindi pa rin ito dahilan para ipamigay ko yung aking digital camera. Hindi maaasahan ang camera nito sa gabi kahit na may kasamang flashlight (hindi flash) at hindi pa rin talaga ito pwedeng gamitin para sa aking hobby (na kamakailan ay bihira ko nang gawin) na pag-kuha ng mga “artistic” high quality pictures. Kahit pa man sabihing kaya nitong kumuha ng 1280×960, iba pa rin talaga ang kuha ng regular na digital camera.

Typing

Madali ring mag-type ng Nihongo dito dahil may feature itong predictive texting o hinuhulaan na nya yung ita-type mo bago mo pa i-type yung buong salita. Kaya kahit isang letra pa lang yung tina-type mo, lilitaw na lahat yung mga madalas mong i-type na salita na nagsisimula sa letrang ‘yon.

May problema nga lang ako sa pag-type ng Roman letters. Mahirap mag-type ng small letters dahil wala syang katumbas ng “Caps Lock” kaya para sa mga kebigan ko ditong hindi Hapon, HWAG KYONG MAGUGULAT KUNG ANG MGA EMAIL/TEXT KO SA INYO AY LAGING ALL-CAPS. Mahirap lang talagang mag-smallcaps sa bago kong cellphone.

Screen

Malinaw rin yung screen nito at kitang-kita ang pagkakaiba dun sa luma kong cellphone. Walang problema pag madilim o nasa loob ka ng kwarto pero parang malabo kapag nakabilad ka sa araw. Kaya sa tingin ko, perfect na perfect ito para sa mga Pinoy/Pinay na ayaw magbilad sa araw. Kung hindi makapag-pigil at kailangan talagang mag-text, maghanap muna ng lilim at duon magpakasawa.

Music

Kaya rin niyang mag-play ng music pero isa rin ito sa mga nagi kong disappointments sa Premini-II. Una, hindi pala pwedeng mag-play ng music kapag ang gagamitin ko ay ang ginagamit ko sa camera kong MemoryStick PRO Duo MagicGate. Pwede lang pala itong gamitin na pang-store ng pictures at iba pang data.

Kelangan raw bumili ng MemoryStick Duo MagicGate na ang pinagkaiba lang dun sa meron ako ay ang tatlong letrang “PRO”. So, bumili ako nito para makapag-play ng music. Pero teka! Hindi pa rin pala pwede dahil yung MemoryStick reader ko pati na rin yung Sony Digital Camera ko ay hindi MagicGate-compatible. Pwede silang gamiting pang-kopya ng pictures at data pero hindi pa rin pwede ang music.

Kelangan daw bumili ng Sony MemoryStick Reader na MagicGate-compatible pero huwag na nga lang… dun na lang ako sa iPod ko.

Conclusion

Kung ang hanap nyo ay cool at kelangan nyo lang tumawag at mag-text at magkuha-kuha ng pictures, ito ang cellphone para sa inyo. Kung ayaw nyong mag-email using ALL-CAPS, mag-hanap na lang kayo ng iba. Kung gusto nyo pa rin ito at gusto nyong gawin itong music player, maghanda kayong mamili ng sangkaterbang Sony products.

Ako? Malapit ko nang palitan ang aking Dell computer ng isang Sony Vaio.

Advertisements

7 Comments Add yours

  1. Patrick says:

    Baka makatulong sa next Sony Product na bibilhin mo ๐Ÿ™‚

    http://www.sonydigital-link.com/memstick/compatibility/compatibility.asp?l=en

    Like

  2. Salamat Pato, naghahanda na nga akong bumili ng pampalit sa aking lumang Dell at malamang Sony ang bibilhin ko… papaligiran ko na talaga ang sarili ko ng Sony para lahat sila makapag-communicate sa isa’t-isa. Hehe.

    Like

  3. jheric says:

    ipamana mo na lamang sa akin ang iyong lumang Dell… hehehe… Christmas gift baga…

    Like

  4. Asa ka pa Jheric. :-p

    Naunahan ka na ng bunso kong kapatid at syempre, family first. Hehe.

    Like

  5. hoop says:

    5 years as a tech dude and you buy it because maganda ang casing? the product marketeers have scored again! hehehe…

    have a safe trip home rico ๐Ÿ˜€

    Like

  6. Hoop, tuwang-tuwa ako sa comment mo… kasi totoo! Hehehe. I’d say it’s experience that taught me to choose using the coolness factor.

    Let me explain.

    If you get a gadget can has everything in it except maybe the kitchen sink, you get oohs from the geeks (myself included). If you get a gadget that looks cool, you get oohs and aah’s from everyone else. ๐Ÿ˜‰

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s