Da Good & Da Bad

Nagbabakasyon ako ngayon sa Pilipinas at tulad ng maraming balik-bayan at balik-manggagawa, hindi namin mapigilang mapansin ang mga pagbabago sa Pilipinas mula nung huli kaming bumalik dito.

Da Good

  • Ang ganda na ng North Luzon Expressway (NLE o NLEX). Madali nang magbiyahe papunta at pabalik sa Bulacan at iba pang probinsiya sa itaas ng Maynila.
  • Ang bilis na ng pagpapa-renew ng Driver’s License kahit sa Santa Maria, Bulacan. Kung dati ay apat na buwan ang kelangang hintayin bago dumating ang card, ngayon ay ilang minuto na lang ang kelangan at makukuha mo na ang iyong card.
  • Hindi pa rin mauubusan ng gimikan sa Metro Manila. Lalong dumami ang mga kapihan (read Starbucks), kainan, videoke at kung-anu-ano pa. Marami rin dito ang bukas 24 hours kahit na McDonalds dun sa may Greenbelt.
  • Lalong gumanda ang mga street lights mula NAIA paakyat ng Roxas Boulevard. Kung dati ay duon lang sa Manila City yung mga magagarang street lights, ngayon ay kahit dun sa Pasay City ay maliwanag at kaaya-aya.
  • Buhay na buhay na ang OPM. Sikat na sikat na ang mga banda at mang-aawit na Pinoy at bihira na ring makarinig ng mga imported na kanta sa radyo. Kung may mga imported man, marami rin dito ay ni-revive ng mga Pinoy singers.
  • May internet na kami sa baranggay namin! Kahit hindi pa rin kami naa-abot ng landline o kaya’y DSL, meron naman kaming Smart Wifi.
  • Lahat halos ng public transportation ay meron nang “How’s my driving?” sign sa likod kasama na ang number kung saan kayo pwedeng magsumbong. Para sa mga bad drivers, isang text lang ang kanilang katapat ngayon.
  • Convenient na talaga ang mga LRT at ang MRT. May mga kakilala na akong iniiwan na lang yung kotse sa kung saan tapos sasakay na lang ng MRT para makarating sa destinasyon. Maganda nga yun para mabawasan ang mga sasakyan sa EDSA.
  • Mukhang magaganda na ang graphics sa mga Pinoy movies. Medyo natuwa ako sa trailer ng mga pelikulang Mulawin at Exodus na entry rin sa Metro Manila Film Festival. Kelangang mapanuod ko ang mga ito para makita ko kung totoo ngang gumanda na ang mga ito.
  • Ang lakas na ng piso. Kahit medyo hindi good news ito para sa mga balik-bayan dahil ibig sabihin nito ay maliit ang palitan ng kanilang dolyar at lapad, magandang balita na rin ito para sa Pilipinas.

Da Bad

  • Madilim sa NAIA Terminal II. Parang nagtitipid yata sila sa kuryente o baka nga lang gusto nila na medyo romantic ang atmosphere dun sa airport.
  • Ang haba ng pila sa Immigration. Talagang kulang nga lang siguro ang Immigration counters sa Terminal II. Sana sa susunod ay sa Terminal III na ako magla-landing at siguradong mas maraming Immigration counters duon.
  • Hindi pa rin disiplinado ang ilang mga drayber. May mga lugar kung saan disiplinado ang mga tao tulad ng NLE pero kapag sumusikip-sikip na ang daloy ng sasakyan, umaandar uli ang pagka-sugapal ng mga drayber. Kapansin-pansin ito sa North EDSA.
  • Lalong dumadami ang billboards sa EDSA at dun sa may Guadalupe ay meron pa talagang big screen. Talagang ang mga ito ay nakaka-agaw atensyon at hindi maiwasan ng mga drayber na mapatingin. Buti na lang at hindi nabubunggo yung mga ‘yon.
  • Mahal na ang mga value meals. Kung ang alala ko dati sa presyo ng Big Mac Meal ay mga PHP 60 lang, ngayon ay umaabot na ng PHP 110.
  • Ang mahal na ng bayad sa tollgate ng NLE. Kung dati ay mga PHP 6 lang mula Bocaue hanggang Balintawak, ngayon ay umaabot na ng PHP 52. Sinabayan ng pag-upgrade nila ng highway ang pag-taas nila ng presyo.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s