Malakipas Ang Limang Kilo

Dalawang linggo lang akong nasa Pilipinas at sa maniwala kayo’t sa hindi… limang kilo ang binigat ko. Oo… tama yung nabasa ninyo… limang kilo… five kilos… 11 pounds.

Nung umalis ako papuntang Pilipinas, ako ay 65 kilos (143 pounds), nung pagbalik ko, ako ay 70 kilos (154 pounds).

Kunsabagay, wala naman kasi akong ginawa nun kundi kumain, matulog, manuod ng TV, humilata sa couch, mag-merienda, uminom ng juice at kumain pang mag-uli. Walang exercise, walang bisikleta, walang walking, walang tennis, walang badminton.

Sa Japan, malakas pa rin naman akong kumain pero walang breakfast at marami akong tennis kaya in the end, nagi-even out lang lahat at hindi ako lumalaki. Marami ring gulay at isda dito ikumpara sa isang-katutak na malalangis na piniritong karne duon.

Pero OK lang… mas gusto nga ng Mama ko yung malaki at malusog ako at tsaka minsan lang naman sa isang taon kung ako ay umuwi sa Pilipinas at makisaya sa pagsasalo ng buong bansa ng Pasko. Lahat naman tayo ay lumalaki tuwing Pasko.

Kaya kung tutuusin, sulit na sulit itong limang kilong ito. 😉

Advertisements

2 Comments Add yours

  1. hoop says:

    you…
    my friend…
    are very a brave man…

    I don’t even have the guts to walk up to a weighing scale after the end of this year… *snicker*

    Like

  2. Salamat pre. Alam mo namang kung nasa Japan ka at halos lahat ng Hapon ay alam kung gaano sila kabigat ay hindi mo mapipigilang mag-check once in a while. Hehe.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s