Tatlong Araw sa Subic

Nung umuwi ako sa Pilipinas ay nagpunta kami sa Subic at para na rin makatulong ako sa mga iba pa dyan na gustong bumisita sa Subic, iipunin ko dito lahat ng impormasyon na kailangan ninyo para makapag-plano ng tatlong araw na gimik duon. Kayo na ang bahalang mag-dagdag-bawas sa schedule ko depende na sa inyong trip.

Bago ang lahat, siguraduhing ninyong may titirhan kayo kaya magandang magpa-reserve ng hotel o apartment. Kami, nagpa-reserve kami ng 3-bedroom apartment sa Subic Homes. Sa tingin ko, mas maganda dito kaysa sa hotel dahil solo ninyo yung buong bahay, kasama na centralized airconditioning, cable tv, kitchen utensils at kahit towels. Ok na ok para sa mga pamilya o barkada. Sinuwerte rin kami dahil 3,750 pesos lang kada gabi para sa buong apartment.

Unang Araw

Mag-groceries muna kayo kung sakaling dun kayo sa apartment. Mamili na kayo ng merienda at inumin para may ngunguyain kayo habang nanunuod ng Korean drama sa living room. Kami , dun kami nag-shopping sa SM Pampanga na katabi mismo ng NLEX exit ng San Fernando.

Pagkatapos mag-groceries, magandang mag-check-in na kayo para hindi kayo mapag-sarhan ng opisina nila. Nung unang araw ay nagrelax-relax lang kami sa apartment at naglakad-lakad sa palibot ng Subic Homes.

Ikalawang-Araw

Pagkatapos ninyo sa inyong morning ceremonies, magandang dumiretso na sa Zoobic Safari. Maganda kung bago mag-alas-10 ay nandito na kayo para hindi kayo mahuli sa susunod na destinasyon. Ito na yung pinaka-zoo ng Subic kung saan ang main attraction ay yung mga tigre. Isang payo, sa pagsakay ninyo sa sasakyan nila papunta sa mga tigre, magandang umorder kayo ng manok na ipapakain sa tigre para makita ninyo ng malapitan ang mga ito. Medyo gross nga lang yung makita yung bituka nung manok pagkahuli sa kanya nung tigre pero sa kabuuan, sa tingin ko ito ay magandang karanasan na hindi nyo dapat palampasin.

Subic with the tiger
Subic with the tiger

Pagkatapos ay magmadali kayong kumain ng tanghalian at magpunta sa Ocean Adventure. Yung whale presentation nila ay nagsisimula ng mga 1:00 ng tanghali. Kung hindi ninyo ito maabutan ay maghihintay uli kayo hanggang mga 4:00 para sa susunod. Maganda rin yung Sea Lion show nila at bisitahin niyo rin yung kanilang Discovery Aquarium.

Dolphin show at Subic Bay
Dolphin show at Subic Bay

Pagkatapos ay maganda rin sigurong mag-shopping na kayo ng mga pasalubong. Maraming duty-free shops sa Subic at ang pinaka-sikat na siguro dito ay ang Royal Subic kung saan magsasawa kayo sa dami ng chokolate nila. Siguraduhin lang na bisitahin niyo rin yung ibang tinda nila para sulit naman ang inyong pagpunta dun. Kami kasi, parang hindi na naka-alis mula dun sa mga chokolate.

Pagkatapos ninyong ubusin lahat ng pera niyo sa pasalubong ay maganda sigurong umuwi na kayo sa apartment at magluto na lang ng inyong hapunan.

Ikatlong-Araw

Sa inyong huling araw sa Subic, mag-checkout na kayo at dumiretso na sa beach! Tambay lang kayo duon hanggang magsawa kayo. Kung meron kayong snorkling gear o kaya’y may mahihiraman kayo nito, gamitin ninyo at maraming isda at corals sa Subic, kahit dun sa malapit sa beach.

Yung pinuntahan namin ay yung Camayan Beach Resort na nasa tabi ng Ocean Adventure. Iisa lang yata ang management nila kaya huwag kayong magugulat kung yung nagpapa-rent ng snorkling gear ay nakasuot ng Ocean Adventure uniform.

Buong stay namin sa beach ay hindi ko mapigilang isipin na habang lahat ng kebigan ko sa Japan ay ginaw na ginaw na sa Japanese winter, ako naman ay andun sa Pilipinas na nagpapakasaya sa beach habang nagpapa-itim sa init ng araw.

Haaay. Ang sarap ng buhay.

Advertisements

3 Comments Add yours

  1. chevee says:

    Hi! Thanks for the very informative post on your Subic stay. I am planning a 2-day trip to Subic with my sis, husband and daughter. So far we’ve decided to stay at Camayan Beach Resort, and to go to Ocean Adventure and Zoobic Safari, among other things. Can you remember the entrance fee you paid for the Zoobic Safari? Thanks!

    Like

  2. Hi Chevee! I think we paid something like 250 pesos/person, but don’t quote me on that. Enjoy your trip to Subic! 😉

    Like

  3. tet says:

    hi! we’re going to subic this sat and your blog helped me with our itinerary. Do you still remember how many hours for the zoobic tour? thanks! 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s