Ang Yen Laban Sa Piso

Kumuha ako ng data mula sa Oanda at ito ang nagawa ko… ang pagkukumpara ng Japanese Yen sa Philippine Peso mula nung unang dumating ako sa Japan nuong June 19, 2000 hanggang ngayon, April 2, 2006.

Japanese Yen vs Philippine Pesos (2000-2006)

Ito ang mga napansin ko…

  • Sa buong stay ko dito sa Japan, ang naging pinakamalaking palitan ng Yen sa Piso ay mga 0.5500 nuong December 2004. Ibig sabihin nito, sa bawat isang lapad ko ay meron akong 5,500 piso.
  • Sa buong stay ko dito sa Japan, ang naging pinakamaliit na palitan ng Yen sa Piso ay mga 0.3600 nuong January 2002. Ibig sabihin nito, sa bawat isang lapad ko ay meron akong 3,600 piso.
  • Mukhang pinakamagandang magpadala ng pera sa Pilipinas tuwing Disyembre dahil ikumpara sa ibang buwan, mas malaki ang palitan ng Yen at Piso.
  • Pinaka-hindi magandang magpadala ng pera sa Pilipinas tuwing Marso dahil ikumpara sa ibang buwan, mas maliit ang palitan ng Yen at Piso.
  • Anu ba ang nangyari nung November 2000 at January 2001 ay may malaking pagbagsak ng Yen laban sa Piso?
  • Ikumpara sa ibang buwan, medyo stable ang palitan ng Yen at Piso sa mga buwan ng Mayo hanggang Setyembre. Pinaka-volatile mula Nobyembre hanggang Enero.
  • Mula ngayon, mukhang hihinto muna ang palitan ng Yen at Piso sa 0.4400 piso bawat yen. Ibig sabihin nito, sa bawat isang lapad ko ay meron akon 4,400 piso.
  • Maraming pera ang mga Pilipino na nasa Japan nuong 2004 habang konti naman ang pera nuong 2002.
  • Ang 2006 ay mukhang sinusunod ang pattern ng 2003.

Kapag meron pa kayong gustong idagdag na observations, mag-iwan lang kayo ng comment.

Advertisements

One Comment Add yours

  1. Sun Jun says:

    ngayon ang palitan ay nasa 0.39 na lamang po! ano ba ang nangyari! sa loob ng 3 taon nabawasan ang aking savings ng libo-libong piso! shucks!

    ang dolyar ay nasa 47.9 na po! dyos ko! hahaha ^^

    ano ang magiging pattern ngayong 2007!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s